Tuesday, May 10, 2011

nung May 6....

Graduate na ako...tangina! haha! graduate ako! masaya kahit di ako honor kasi di ko hinangad yun.. makatapos lang masaya na ako! mababaw ba? siguro para sa iba.. pero sakin hindi.. bago kasi ko mag aral dumating yung point na tinanggap ko na hindi na to mangyayari sa buhay ko. dalawang taon tumambay e. pero di ko gusto yun!kahit ako mismo nagduda na kung deserve ko makatapos ngayon taon dahil sa mga ginawa ko.. o kung may ginawa nga ba ako. masaya talaga ko at nagawa ko makatapos sa saktong apat na taon,kahit laging buzzer beater pangalan ko sa bawat list na lumabas hanggang sa grad rehearsal nga wala pa name ko sa list! kahit times 5 yung hirap ng process ng graduation saken...photo finish yung karera ko.

2 taon ako huminto. nagsimula uli ako maging estudyante dahil sa mga kabarkada ko nung high school..tropa ko..pamilya ko..yung Tomodachi!:)

sila may pakana ng lahat,incoming 3rd year college na marami sa kanila. naiisip ni Manoy tulungan ako kaya kinausap nya lahat ng barkada para mag ambag ambag daw para sa pag aaral ko at makapag simula na din daw ako. kaya ayun..pinahiram na ako ni Gwyneth ng reviewer ng UPCAT para daw may mareview daw ako..di ko na nasoli yun,sorry Neth. tas nag exam ako,pumasa, medyo mataas yung grade kesa sa inasahan ko siguro. sinamahan ako ni Noel, Manoy at Jay sa pag apply. kakaiba yung naging proseso ko tas bigla hindi ako natanggap kasi 80 lang average ko nung HS, balik daw ako sa susunod na linggo. Tinulungan ako ng papa ni Agatha para maadmit. padrino system yung nangyare..sorry naman. mag eenrol na ako sa pol sci, nagkita kita kame magkakabarkada tas bigla may inabot si Tol Ciara saken..pang enroll ko daw, nahiya man ako tinanggap ko na kasi kelangan. kasama uli sila Noel, Uy at Jay hanggang sa nakuha ko unang regi ko,

eto na pasukan ana,napagkamalan ako prof nung pagtayo ko sa harap ng w213! mahusay sila..tas sabi nga ni Jackie parang natulog lang kame tas pag gising namin malapit na graduation. hindi dahil sa madali! kasi kung iisipin ang bilis lang. mula nung hagudin ni Abhie yung The Spoliarium (often misspelled as Spolarium) -wikipedia ...sa national museum tas play kay mam buhay at magazine, speech fest, parl pro at moot court. 3 policy paper, 12-16 na midterm exams, 12-16 na final exams o kung ano man requirement na naisin ng prof. at siyempre THESIS. mga humigit kumulang na 4000 pesos para sa tuition fees (yung saken ewan magkano kasama mga penalties)..ayun..gragradwyet na kame.

ibat ibang karakter meron sa section namin, umpisa pa lang nakita ko na sino mga bibo at mapapel..amazing! dapat nga silang pol sci student talaga. yung mga nawala na sila Jerome, Mark Gil, Erwin, Vergel {a.k.a. B-boy [oftenly misspelled as Biboy (B-boy as in Batangas boy kasi)]} -Hustakyo... Kenneth, CJ at Tom. si Manay at Dianne pa pala..at si Con.

...ayy puta si Brando pa pala.

nagkarong ng ibat ibang paksyon, sekta sa room pero walang malaking alitan na nangyari kahit kailan. ibat ibang trip lang talaga bawat tropa. tropang labo, sexy squad, yung kila MJ, kila Ashly, si Quiara at sila JoepitJocpitJoepotJosepMightyJoeJupetJospitJoetitMs.Antonio (tangina sorry, i tried to remember them all talaga..epic fail.) tas halo halo na minsan bawat tropa...masaya naman. ako sinusubukan ko makisama at makasama sa ibat iba sa kanila. pero pinaka madalas ko kasama dati si Tom at Bal tas nawala si tom, naiwan kami ni Bal. pati sa pag bagsak at pag retake ng subjects magkasama kami. tangina ewan kung sino malas samen dalawa. pero nakakaya namin yun..kaya lang ayun.. siguro may dahilan yung nangyare kaya wag ka masyado malungot na Bal.

kasabay ng walang sawang suporta ng Tomo saken pag labas ko ng school, sa loob ng school itong mga ibat iabng tao na to ang nakakasama ko. hindi man nila siguro alam..o gusto,hehe. pero sila din tumulong saken at sumuporta. Salamat kila Bal dahil sinasamahan ako lagi kahit sa pag fail,parang gagu. kay Buten at Xavier na kagrupo sa thesis kahit ewan kung may natulong ako sa kanila. sa mga sumama saken idaan sa tawa ang kaba pag mag eexam na tas alam namin pare pareho na wala na kami masasagot. Kila Ray, Noriel, James at JoepitJocpitJoepotJosepMightyJoeJupetJospitJoetitMs.Antonio na kakampi ko sa basketball na walang naipanalo. mga dating cubao frends ko na sila Tse at Rens. yung sexy squad na kakulitan, kapalitan ng jokes na korni. sila Mj at mga kaibigan na kung gano kalaki ngiti ni Shiela G. at Rachelle e ganun kasungit si Shiela B. tas si Elexis (//,-). tas yung yung chikahan at burautan nila Sarah, Myra, Ashly at Jo na din kung minsan. yung biglang tawang nangingibawbaw na Leida na pag narining mo matatawa ka na din. tas yung tropang labo, si Emy na ibang level ang kulet at Matalino(gandang kombinasyon) si Razelle MatalinoMabait"Makwento"Matakaw at kung ano2 pa, si Kat na parang maliit kong ate na Matalino at Jhessa na malalim at masarap na kausap at Matalino. silang apat na tropang labo..and did i mention Matalino sila??...yung officers na si Jaki d Great at Kayzel na di pinabayaan talaga section namin..lahat lahat na!pero wala...section two nga lang kami e...wahehe!:D

pinagmamalaki ko college graduate na ako. hindi man ako nag hirap gaya ng iba, pinag hirapan ko to sa sarili kong paraan. hindi man ako naging kahit isa na lang sa magagaling, alam ko madami ko natutunan pa din.

pero kahit gusto ko angkinin lang yung tagumpay na to sa sarili ko, hindi pwede. dahil hindi ako nagiisa mula umpisa hanggang finish line papunta dito. may mga ibang naghirap para saken. kaya hindi ko ipagdadamot ang pinaka sincere kong "THANK YOU" sa lahat ng to.

-sa Tomodachi na nagpapaalala saken kayanin at mag aral pa din mabuti na naniwala saken at nagpaalala din na huwag pilitin uminom pa pag lasing na at hindi na kaya. 10years and counting of friendship, kahit asan man tayo ngayon, anu man lagay natin..Tomo tayo. hindi man ako ok sa inyong lahat ngayon hindi ko pa din makakalimutan utang na loob ko sa inyo. may restaurant pa din tayong bubuuin.

-BPS 2007-2011...lahat lahat na!pati mga naging irreg n classmates, profs, at nakilala at nakasama Sintang Paaralan natin.

-mga tito,tita at pinsan..mga kamag anak na tumulong saken, sumuporta..(pero sorry hindi nyo mababasa to, dun ko kayo friends sa isang account ko e) http://www.facebook.com/profile.php?id=100000477462548&sk=wall#!/profile.php?id=100000477462548

-Girlfriend ko..Yumyumpotpot.. sa kakulitan mo!...kakulitan na maniwala saken na kaya ko, maayos at mahahabol ko pa lahat. pagsama saken kahit pagod at walang kain at puro energy drink na lang bumubuhay saten sa gitna ng mga pila, pag antay sa prof. and lastly for your SUPERDUPER LOVE that really inspires me. your my lucky charm! <3

-and sa Mama ko. i know that anyone says they have the best mom. but mine is the best because she pushed me hard and believes in me. she's the best bcos kahit wala o kulang ang pera gagawa siya paraan para may mabigay saken baon pamasahe at panggastos pamibili ng kung ano man. the Best mama ko di dahil binigay niya lahat ng kailangan ko...pero dahil iniintindi nya ako at pinilit niya maibigay ang mga kailiangan ko pati na din ang mga gusto ko kahit ipangutang nya lang to....hehe!sana lang kaya ko to sabihin o pabasa man lang sa kanya to. pero para sa kanya tong diploma na to.

marami pa ako dapat pasalamatan bukod sa mga yan, pero siyempre di ko naman maiisa isa. ano man mangyare saken mula ngayon, sa pag tratrabaho at sa buhay ko lahat yun dahil sa kanila. medyo madrama pakinggan pero ganyan talaga. Solid sa saya pagkatawag ng pangalan ko sa world trade. hindi na enough yung salitang 'thanks' sa mga taong tumulong saken pati na din sa mga taong hindi naniwala, nangasar, kumontra, papapampam at maepal na mga *&$#%@^%& dahil madami din ako natutunan mula sa pangkukupal nila saken at dun ko nalalaman may mali saken na kailangan ko baguhin kaya kasama na din sila sa pasasalamatan ko.

ginawa ko lang to para mag balik tanaw konti at para magpasalamat talaga sa lahat kahit alam ko kulang na kulang ang mga salitang thank you para sa diploma na magpapabago sa buhay ko malamang. times five hirap ng pag process ko sa graduation pero para saken yung feeling ng pag graduate ay times five din yung saya at sulit talaga. pagmamalaki ko hanggat kaya ko na graduate ako pero kahit kailan ko di ko aangkinin ang paghihirap tsaka ang mga magiging bunga ng apat na taon na yon.