Sunday, January 12, 2014

Cubao

Nagising ako sa bahay walang ideya na hindi magiging masaya ang araw. Pinilit ko pa ramdamin na nasa bahay ako at makakapag pahinga kahit sa isang araw. Hindi pa inabot ng tanghalian bumigat na ang lahat. Nagkasabay sabay na naman sa panahon pa na ang gusto ko lang naman magpahinga. Masyado mabigat, mahirap. Naisip ko lumapit sa kanya, makapag labas ng sama ng loob at makahinga man lang. Inantay ko pag gising niya at ng matawagan ko siya. Nung magkausap na kami di ako nagkaron ng pagkakataon huminga at pagaanin kahit pano, siya din pala may daing sa akin. Wala na, alam ko ng hindi maganda ang araw at magsisimangot na lang ako.

Ginusto ko magpahinga, lumayo muna kahit kanino. Manahimik ng sandali.
May isang oras pa bago mag tanghalian, nagisip saan ko makukuha ang pahinga kahit hiram lang. Naisip ko pumunta sa malapit lang na makakatahimik ako. Naisip ko mag Tagaytay mag isa. Sakto ang presko at di matatangging magandang tanawin, siguro marerelax kahit sino. Pero masyado na tanghali at di din pwede magtagal dahil maaga pa para da kinabukasan. Sigurado naman walang katahimikan sa mall kahit sa gilid ng MOA. Hindi ko kaya ang pressure sa Luneta at hindi din ang layo ng antipolo.

Naisip ko sa cubao, bahala na.  Baka bigla maisipan manuod ng basketbol na lang, di man makapag pahinga, maibaling na lang amg bigat ng mga bagay bagay.  Nakarating ako sa gateway, kumain at umupo na. Bumalik sa mga nakaraan, pinilit humanap ng mga kasagutan. Pagiintindi at pagkukumpara. Pagsasariwa ng saya at sakit. Pinilit planuhin ang mga susunod na mangyayari at intindihan kung ano pa man ang mangyayari samga susunod pa.

Hindi na ako nakapag isip pa. Pero naramdaman ko nakakatakas na ako, sumasaya kahi sandali nakakahiram ng pahinga bago maging nakakapagod na naman ang lahat.
Sulit.
Dumating sa punto sana hindi na muna ko nabalik sa araw na araw na ginagawa ko sa buhay ko,  patunay nga lang na nakalayo ako. Hindi ko na namalayan madami na akong oras na pinalipas.
Naitindihan ko kahit pano hindi lang sa akin mahirap at di makatanggap ng lahat.

Naramadaman ko kailangan ko na bumalik di ko man gusto pa. Nakapag pahinga, naging masaya. Takot ng bumalik sa kinabukasan kung pwede lang. Nabalik kahit pano ang dati.

Handa na ako para bukas, game na ule.
Pero yung paghahanap ko at pagpapa hinga, may isa akong nabalewala.
Naging maayos ako kahit para sa kinabukasan, yung ngayon ko naman naiwan sa hindi pagiging ok.