Sunday, August 28, 2011

"VIDEO KILLED THE RADIO STAR..."



"Save tonight..to fight the break of dawn..Come tomorrow..Tomorrow I'll be gone.."

Do you still remember watching MTV in Studio23?...yep, you heard it right!...before Myx, VJ Donita and VJ Mike(yung kasama nya kung di ako mali sa name,hindi Pinoy) hosted MTV Non-Stop Hits. Ya'll know I'm a big fan of music..even back in my younger years. I mean I'm not that old naman, but yeah, at a very young age I would be stuck in the TV watching music videos. My first ever favorite music video was "I believe I can fly" by R.Kelly.! Maybe because it was a soundtrack from my favorite movie "Space Jam"

"At night I think of you..I want to be your lady baby..If your game is on give me a call boo.."

I swear! If that video is playing I would stop whatever I'm doing just to watch, lalo yung part na may kasama na siya na choir!..ASTIG! In fact, my first ever owned album was the the soundtrack of that movie. It was original, no piracy baby!...kasi bigay ng pinsan ko from the states!...an original CD back then was so damn expensive at 350 a pop! Mahal na masyado yan nung time na yun and I was a kid. After a year I guess, I bought my two first ever casette tapes..hehe una pa ako nagkaron ng CD tas casette kasi nga mahal!..I bought "Chocolate Starfish and Hotdog Flavored Water" by Limp Bizkit and "Marshall Matthers LP" by Eminem, both originals at 150 each, medyo mas can afford at medyo palaos pa lang tapes nun so pwede pa. I used my early pamasko to have them. Second album of Eminem if im not mistaken...fan na ako. I also remember buying song hits just to memorize the lyrics cause there was no Myx yet so no subtitles... But those damn song hits minsan mali mali naman pala lyrics.

"You got me crazy..I just can't sleep...I'm so excited..I'm in too deep.."

I am big music fan but unfortunately can't play any musical instrument nor gifted with a voice for public amusement. Can i rap???..HELL YEAH! I do freestyles pa nga..but of course, I wouldnt do it in front of anyone!LOL!.. I was listening to Magic 89.9 this cold friday night cause our radio can't give me my usual dose of Wave 89.1 because of the rain. They are playing 90's music and nakakatuwa cause I know almost every song that they are playing. As I've said in my status..Tumatanda ka na pag alam mo na mga kanta na pineplay sa backtraxx ng Myx o kahit anong program about mga lumang kanta. In my case, siguro masyado lang ako naging fan ng music kahit bata pa ko talaga.

"Baby when were grinding...I got so excited...oohh how I like it..I try but I can't fight it!"

90's music for me was about UK bands like Oasis and Suede. Boy bands and Girl bands lead by Backstreet Boys and Spice Girls...Baby Spice was my crush back then. Metal bands i.e. Metallica and in Hiphop of course was Ice Cube,LL Cool J, Wu Tang Clan and even Will Smith(madame ko naiisip dito syempre so i would stop here na). I was not a big fan of OPM then, but thanks to my olders cousins for playing Eraserheads, Rivermaya (with Bamboo pa as their vocalists) Francis M. and Legit Misfitz kaya nakakakinig na din ako. I can drop hundreds maybe even thousand names of artist and bands from 90's, some can relate and some dont maybe but try to listen to some of it if di nyo inabot masyado. Cause for me there's something in 90's music that is different from today.

"Ooohh baby your so fine...I wanna make you mine..your lipstick taste so sweet.."

I mean Ne-yo, Katy Perry, the bands, OPM artists and everyone today is doing their thing, making dope music and all but its just not the same. For me, maybe its the "good vibes" that the 90's music brings. Lyrics back then - more often than not have that "feel good" effect. Its also maybe because back then the world is different. Life is more easy. No hassles as much as today that it reflects even to the songs. Or its just the cooler temperature.LOL!.. And like in fashion, even in music there's a cycle I guess. I mean like some artists try to do revival of some songs. Some work out and some don't. Others try to use an old song even from 80's and 70's and do remixes, tributes, collaborations and what not. Even the artist itself, some of them try to make a come back and others never went out of the scene but made some changes or reinventions in their genre. Again, some work out and some dont. But that just shows that even with some of the fresh and all these new stuff going on, you just can't leave it behind or you just cant leave it all. The spirit of 90's music or even other eras still ride along with the flow, keep up with the beat and follows the rhytm.

"One last call for alcohol so finish all your whisky or beer...You don't have to go home but you cant stay here.... I know who I want to take me home...take me home..."

Now I can better understand the lyrics and appreciate it more at the same time. I think I can imagine myself listening to some of it even after 20 or 30 more years if possible. I know it is with the help of youtube and the whole world wide web. Whatever it is in 90's music, its more than enough for me to go back listening to those music once in a while and it would surely not fail to give me some good relaxing easy ride down memory lane.

"Let's give thanks and praise to the Lord...and everything will be alright...."

Tuesday, August 16, 2011

MAJOR NOTE TO SELF

I'm living a not very well pleasured life. Almost everyday experiencing bitin in almost everything. Love, happines and of course datung. So yeah, well I'm trying to make some changes in this life. I may find it not that easy to turm things completely around or simply just in the way I want it, but I aint backing down.

The last few months after that day I thought my life would change in an instant, actually it has been very hard for me. For a moment I felt I have no reason and direction. "Yeah, so what now?". I asked myself this and got no answer for days maybe even weeks. Then I turned my attention to seek to what's next idealy at this point of my life. Trying to catch to what I still havent caught until now (But i prayed that this will be found in the very near future). The last few months have been very hard for me, I let my PAST, PRESENT and FUTURE really gets the best out of me. My family being the direct casualty most of the time of biglaang pagsusungit. I tried to deal with all of it at the same time leading me to nowhere. I thought of trying things in different directions to escape from it, but this cowardly approach obviously never really worked out for me.

Last night a part of me came back. That part that makes me think thoroughly enough how to face it rationally, a part of me I never noticed missing just until it came back. I don't know how. Since Wednesday(8.11.11) I started to feel something positive. And yeah, for the Nth time, I have another shot of finding resource. Last night I end up having a plan how to control and maybe even defeat the monster that I made that beats the hell out of me almost everyday since it slipped out of his mouth. I don't know where will I end up with plan or even how to execute it but I know its still possible. And maybe after this, hopefully I can try to be GENUINELY and GENERALLY happy. For the record, even my "someone" doesnt know where I'm coming from. Same time last night I just thought of letting this out in an open note but still not letting anyone to clearly understand me.

Saturday, July 9, 2011

P.C.S.O (Pamimigay ng Car Sa mga Obispo)



Hindi ko mapigilan tong iniisip ko kaya yung naisip ko isulat dapat bukas pa ay ginagawa ko nga ngayon (friday 08july 12:18am)...pagtyagaan ang sira sira keypad ng laptop at ang kakulangan neto ng kakayahan na pagtypin ako MSword....habang nilalabanan din ang masakit na tyan dahil sa namumuong palabas na mabahong hangin.
Bago ang lahat...Aminado ako hindi ako isa sa mga pinaka dakilang katoliko sa paligid mo. Pero hindi naman ako tumitawalag sa Kanya sa kahit anong paraan. Hindi din ako nagsisimba linggo-linggo, dahil para saken hindi lang naman dun nasusukat yun. At lalo hindi ko tinatry ijustify ang hindi ko madalas na pagsimba. Buong puso pa din ako naniniwala kay Master Boss Amo Chief dun sa taas. Sa kabila din ng lahat may respeto pa din ako sa mga kaparian in general na silang ngrerepresent sa Kanya dito sa mundo (di ba ganun un??). Oo, syempre repect pa din sa kanila sa kung pano ba dapat respetuhin ang mga gaya nila. Pero ang saken, magalit na magagalit sa sasabihin ko o kung mali ako tatanggain ko... Tao pa din sila, at hindi sila mismo ang Diyos na hindi dapat kwestyunin. Tao pa din at di ba nga "no one is above the law". Kaya sila o ilan sa kanila ang naiisip ko ngayon.
Una, kahit dati pa asa high school ako tas naging tambay naiinis na ako pag may nakikita ako ng pari na pag iniinterview e para bang ng uutos na tungkol sa ibat ibang issues sa bansa kung ano dapat gawin ng gobyerno o kung pano dapat tanggapin to ng mga tao. Ok lang kung nagbibigay ng suhestyon, comment and negative reactions e..kuro kuro ba, tipong parang barbero habang minamasahe ka o iniistaylan ka ng "gupit binata". Wala ko nakikita masama dun. Pero ilang beses na din ako nakakita ng hindi na ganun ang lagay, para bang ang dating humihingi na ng suporta sa sangkatauhan sa paniniwala niya at sumama kay father ang lahat ng naniniwala o may pananalig labanan, iwanan at dedmahin ang sabi ni chairman, ni mayora at ni gobyerno. Wow! Hindi na lang pagiging barbero, instant politician na.
Nung nag college ako nakilala ko "Separation of Church and State". Ewan ko kung di lang talaga ako advance at dun ko lang nalaman ang prinsipyo ng ganyan o sadyang di ko lang maramdaman sa loob ng higit 20 years. Pero bat parang labas na sa sermon at sa bibliya ang minsan sinasabe nila sa interview. Ibat ibang issue mula impeachent, pagtaas ng langis o bilihin e parang nangiipit sila sa gobyerno. Nasabi ko na dati na bago ko pa malaman yun SPC "e bakit ba hindi na lang sila magmisa tas hayaan nila ung gobyerno...o kaya edi tumakbo sila sa pwesto". Kasi siguro para saken yun yung mga oras na sobra na sa opinyon ang binibigay nila. Labo tsong, nakakainis na. Tas ngayon habang mainit na niluluto ang RH bill, ginisa na din ang divorce dito sa Pinas. E bigla nag maasim nga utang na mahigit 6billion ata ginamit daw para kay father...Nax! Masarap na usapan to.
Ahh..RH bill. Sobrang init ng usapin na yan na nagkatakutan na ang simbahan at pangulo. Malupit dun sabi ng simbahan taliwas daw ang paniniwala ni Mr. lover-boy-d President sa kanyang sariling Ina. Hitech talaga dahil sa puntong to, dinaig na nila ang mismong anak sa pagintindi sa nanay niya....partida patay na ang dakilang ina,pano pa kung buhay pa di ba. Hindi ko masyado alam ang punto ng dalawang haligi pero saken lang..shet nakalimutan ko yung opinyon ko sa bagay na to...pero basta! Iba nga daw to sa pagpapalaglag. Pano mo nga masasabi nilaglag o pinatay kung wala nga nabuhay dahil pinigilan magtagpo ang malagkit na yon dun sa egg ni girlash. E di walang tao, walang buhay na nagsimula di ba. Bukod dito, madami pang problema ang kasangay nito matatamaan. Early pregnancy, population control na kasama na din ang employment at siguro pati na din ang HIV at AIDS. Basta ko pabor ako dito.(hindi ko na talaga naalala yung pamatay kong opinyon sa bagay na yan..seyeeennggg) Tapos divorce naman. Mainit din yan. Oo nga, hindi naman nga daw dapat paghiwalayin ng tao ang pinagsama ng simbahan at ng Diyos. Pero kahit daw sa Vatican mismo legal yan sabi nung isang senador. Tsaka pano kung yung katawan na ng babae ang pinaghiwalay ni mister o si pagkatapos magpaka kuba ni mister sa ibang bansa e may iba na pa lang boylet si misis na 9 ang size ng paa at di pala si junior yun. Olats na, pero di pa din pa pwede sa lagay na ganyan? Sabi ni pader, imoral. Pero nung sa debate class namin at ginamit ko yan salita na yan agad agad ako nabutata ni sir. "Pero what is 'morality' ba?" sabe niya. Konserbatibong bansa daw tayo sabi ule. Patay...pero hanggang kelan at hanggang san ang pagiging konserbatib? Kung para saken dahon na lang nakatakip sa mismong ari e conservative pa din ang dating kasi di pa din pinakita ang lahat....pano ngayon yan?.... Bilang isang taong inlab at nakaranas ng hindi normal na pamilya, ok lang saken maging legal ang divorce, ok saken pero i dont encourage. Kasi kung kasal na kayo, kaya nyo lutasin at ayusin lahat ng problema in 50 plus years hindi na issue kung pwede ba mag divorce dito saten. Tipong you wont let that hundred misunderstandings and fights overcome that countless reasons why you marry that someone in the first place. Kung legal to dito, madami makikinabang dahil sa ayaw at gusto mo e in reality it takes so much for that 'happy ever after' ending. Nakakainis na, na hindi na nga opinyon binibigay nila bilang parte ng simbahan na kinikilala na isang malaking parte ng bansa natin sa gobyerno na ang silbi e pamunuan at patakbuhin ang bayan. Pwede naman nga mag suggest, comment e kaso nga.. Parang sa basketball team, yung mga trainers yung bahala sa basics, sa strength and conditioning pero si coach at coaching staff pa din bahala sa defense at offense ng mga players sa court.
Tapos eto na, sila pader bigla nasita.Tsk tsk tsk. Montero nung huling tingin namin e 1.3M yung high end,800k naman yung high end ng adventure. Una, bakit sila manghihingi ng auto? Para daw mas makapag silbi?... Amazing!Tas madami usapan na naman ang sumabit dyan...
*Ginagamit daw ito upang lalo idiin si Arroyo....masyado pa ata maliit ang 6billion para sirain ng dating pangulo ang pangalan nya, buti sana kung uulitin mo ito ng madaming beses sa halaga na pwede niya lang makuha kung dadagdagan ang presyo ng mga fertilizers o internet..
*Binabalikan lang daw sila ng pangulo sa pagkontra nga sa malalaking usapin nabanggit kanina....E kung oo,bakit hindi?anak ng patetok!lakas loob nila tas sila may baho din, sila kaya ngaun iex komunikado no?ganyan talaga,walang sisihan..
*Yung mga taga LP din daw binigyan din naman at tumanggap....yun nga lang mga ambulance lang, na yun nga lang dapat talaga ang ipapamigay ng PCSO. Maliban kung pwede na gawin ambulance ung binigay kila pader..Grandia pwede siguro. Nax!habang naghihingalo e pwde ka magsama ng sampung kamag anak sa loob bilang support group hindi pa kasama sa bilang ang mga ngbibigay ng agaran lunas...kasya yan sa luwag nun! Pero kabaligtaran ang sikip pag ung Montero o Adventure.....Tas tangna yung Estrada sige maluwag daw e
pota pick up yown e!
*ibabalik na daw nila...wahehehe!lokohan ah..guilty ata!:D
*Samantala yung mga muslim daw sa Manila isang ambulance sa loob ng 9years!hitech ah...wala daw lagi ambulance nauubos...kawawa ang mga kapatid na muslim...yoko na magsalita.
Sa issue na to pinaka nainis na talaga ko sa lahat ng mga nakita ko pakikialam nila pader. Hindi lahat naman ganyan, meron pa din lumulugar at hindi din naman lahat may mali. Muli, I'm not hatin on them generally. Saken lang dapat linisin muna sarili bago unahin maghanap nng maghanap ng kamalian ng iba. Takte yan. At kailangan ko pa ba gamitin ung "practice what you preach"?!..Tas kung ano trabaho nila o ano silbi nila, dun na lang sana mag magaling. Hindi lang sa kaparian yan ha...Iniimbestigahan na ng Blue Ribbon commitee to, pero bat hindi daw pipilitin magpa liwanag yung mga pari?! May mali din sila sa paningin ko, ngrequest sila gamit ang mga baluktot na dahilan at kahit alam nila ang kapalit neto e suporta. Hindi ba mali yun? Sa batas ng bayan o kahit ng simbahan?o kahit ng simpleng kahihiyan lang?....Katoliko ko, nakikinig ako sa mga pari at naniniwala sa kanila. Nirerespeto sila bilang kinatawan ng Panginoon ng lahat. Pero tao pa din sila at kinatawan lang ng totoo at natatangi kahit kailan ay dapat katakutan at natatangi hindi dapat pagduduhan. Tao pa din sila sa kabila neto at nasasaklaw pa din ng batas. Kung may mali sila, dapat pa din sila managot kasi nga tao lang din sila at dura lex sed lex!:)

Tuesday, May 10, 2011

nung May 6....

Graduate na ako...tangina! haha! graduate ako! masaya kahit di ako honor kasi di ko hinangad yun.. makatapos lang masaya na ako! mababaw ba? siguro para sa iba.. pero sakin hindi.. bago kasi ko mag aral dumating yung point na tinanggap ko na hindi na to mangyayari sa buhay ko. dalawang taon tumambay e. pero di ko gusto yun!kahit ako mismo nagduda na kung deserve ko makatapos ngayon taon dahil sa mga ginawa ko.. o kung may ginawa nga ba ako. masaya talaga ko at nagawa ko makatapos sa saktong apat na taon,kahit laging buzzer beater pangalan ko sa bawat list na lumabas hanggang sa grad rehearsal nga wala pa name ko sa list! kahit times 5 yung hirap ng process ng graduation saken...photo finish yung karera ko.

2 taon ako huminto. nagsimula uli ako maging estudyante dahil sa mga kabarkada ko nung high school..tropa ko..pamilya ko..yung Tomodachi!:)

sila may pakana ng lahat,incoming 3rd year college na marami sa kanila. naiisip ni Manoy tulungan ako kaya kinausap nya lahat ng barkada para mag ambag ambag daw para sa pag aaral ko at makapag simula na din daw ako. kaya ayun..pinahiram na ako ni Gwyneth ng reviewer ng UPCAT para daw may mareview daw ako..di ko na nasoli yun,sorry Neth. tas nag exam ako,pumasa, medyo mataas yung grade kesa sa inasahan ko siguro. sinamahan ako ni Noel, Manoy at Jay sa pag apply. kakaiba yung naging proseso ko tas bigla hindi ako natanggap kasi 80 lang average ko nung HS, balik daw ako sa susunod na linggo. Tinulungan ako ng papa ni Agatha para maadmit. padrino system yung nangyare..sorry naman. mag eenrol na ako sa pol sci, nagkita kita kame magkakabarkada tas bigla may inabot si Tol Ciara saken..pang enroll ko daw, nahiya man ako tinanggap ko na kasi kelangan. kasama uli sila Noel, Uy at Jay hanggang sa nakuha ko unang regi ko,

eto na pasukan ana,napagkamalan ako prof nung pagtayo ko sa harap ng w213! mahusay sila..tas sabi nga ni Jackie parang natulog lang kame tas pag gising namin malapit na graduation. hindi dahil sa madali! kasi kung iisipin ang bilis lang. mula nung hagudin ni Abhie yung The Spoliarium (often misspelled as Spolarium) -wikipedia ...sa national museum tas play kay mam buhay at magazine, speech fest, parl pro at moot court. 3 policy paper, 12-16 na midterm exams, 12-16 na final exams o kung ano man requirement na naisin ng prof. at siyempre THESIS. mga humigit kumulang na 4000 pesos para sa tuition fees (yung saken ewan magkano kasama mga penalties)..ayun..gragradwyet na kame.

ibat ibang karakter meron sa section namin, umpisa pa lang nakita ko na sino mga bibo at mapapel..amazing! dapat nga silang pol sci student talaga. yung mga nawala na sila Jerome, Mark Gil, Erwin, Vergel {a.k.a. B-boy [oftenly misspelled as Biboy (B-boy as in Batangas boy kasi)]} -Hustakyo... Kenneth, CJ at Tom. si Manay at Dianne pa pala..at si Con.

...ayy puta si Brando pa pala.

nagkarong ng ibat ibang paksyon, sekta sa room pero walang malaking alitan na nangyari kahit kailan. ibat ibang trip lang talaga bawat tropa. tropang labo, sexy squad, yung kila MJ, kila Ashly, si Quiara at sila JoepitJocpitJoepotJosepMightyJoeJupetJospitJoetitMs.Antonio (tangina sorry, i tried to remember them all talaga..epic fail.) tas halo halo na minsan bawat tropa...masaya naman. ako sinusubukan ko makisama at makasama sa ibat iba sa kanila. pero pinaka madalas ko kasama dati si Tom at Bal tas nawala si tom, naiwan kami ni Bal. pati sa pag bagsak at pag retake ng subjects magkasama kami. tangina ewan kung sino malas samen dalawa. pero nakakaya namin yun..kaya lang ayun.. siguro may dahilan yung nangyare kaya wag ka masyado malungot na Bal.

kasabay ng walang sawang suporta ng Tomo saken pag labas ko ng school, sa loob ng school itong mga ibat iabng tao na to ang nakakasama ko. hindi man nila siguro alam..o gusto,hehe. pero sila din tumulong saken at sumuporta. Salamat kila Bal dahil sinasamahan ako lagi kahit sa pag fail,parang gagu. kay Buten at Xavier na kagrupo sa thesis kahit ewan kung may natulong ako sa kanila. sa mga sumama saken idaan sa tawa ang kaba pag mag eexam na tas alam namin pare pareho na wala na kami masasagot. Kila Ray, Noriel, James at JoepitJocpitJoepotJosepMightyJoeJupetJospitJoetitMs.Antonio na kakampi ko sa basketball na walang naipanalo. mga dating cubao frends ko na sila Tse at Rens. yung sexy squad na kakulitan, kapalitan ng jokes na korni. sila Mj at mga kaibigan na kung gano kalaki ngiti ni Shiela G. at Rachelle e ganun kasungit si Shiela B. tas si Elexis (//,-). tas yung yung chikahan at burautan nila Sarah, Myra, Ashly at Jo na din kung minsan. yung biglang tawang nangingibawbaw na Leida na pag narining mo matatawa ka na din. tas yung tropang labo, si Emy na ibang level ang kulet at Matalino(gandang kombinasyon) si Razelle MatalinoMabait"Makwento"Matakaw at kung ano2 pa, si Kat na parang maliit kong ate na Matalino at Jhessa na malalim at masarap na kausap at Matalino. silang apat na tropang labo..and did i mention Matalino sila??...yung officers na si Jaki d Great at Kayzel na di pinabayaan talaga section namin..lahat lahat na!pero wala...section two nga lang kami e...wahehe!:D

pinagmamalaki ko college graduate na ako. hindi man ako nag hirap gaya ng iba, pinag hirapan ko to sa sarili kong paraan. hindi man ako naging kahit isa na lang sa magagaling, alam ko madami ko natutunan pa din.

pero kahit gusto ko angkinin lang yung tagumpay na to sa sarili ko, hindi pwede. dahil hindi ako nagiisa mula umpisa hanggang finish line papunta dito. may mga ibang naghirap para saken. kaya hindi ko ipagdadamot ang pinaka sincere kong "THANK YOU" sa lahat ng to.

-sa Tomodachi na nagpapaalala saken kayanin at mag aral pa din mabuti na naniwala saken at nagpaalala din na huwag pilitin uminom pa pag lasing na at hindi na kaya. 10years and counting of friendship, kahit asan man tayo ngayon, anu man lagay natin..Tomo tayo. hindi man ako ok sa inyong lahat ngayon hindi ko pa din makakalimutan utang na loob ko sa inyo. may restaurant pa din tayong bubuuin.

-BPS 2007-2011...lahat lahat na!pati mga naging irreg n classmates, profs, at nakilala at nakasama Sintang Paaralan natin.

-mga tito,tita at pinsan..mga kamag anak na tumulong saken, sumuporta..(pero sorry hindi nyo mababasa to, dun ko kayo friends sa isang account ko e) http://www.facebook.com/profile.php?id=100000477462548&sk=wall#!/profile.php?id=100000477462548

-Girlfriend ko..Yumyumpotpot.. sa kakulitan mo!...kakulitan na maniwala saken na kaya ko, maayos at mahahabol ko pa lahat. pagsama saken kahit pagod at walang kain at puro energy drink na lang bumubuhay saten sa gitna ng mga pila, pag antay sa prof. and lastly for your SUPERDUPER LOVE that really inspires me. your my lucky charm! <3

-and sa Mama ko. i know that anyone says they have the best mom. but mine is the best because she pushed me hard and believes in me. she's the best bcos kahit wala o kulang ang pera gagawa siya paraan para may mabigay saken baon pamasahe at panggastos pamibili ng kung ano man. the Best mama ko di dahil binigay niya lahat ng kailangan ko...pero dahil iniintindi nya ako at pinilit niya maibigay ang mga kailiangan ko pati na din ang mga gusto ko kahit ipangutang nya lang to....hehe!sana lang kaya ko to sabihin o pabasa man lang sa kanya to. pero para sa kanya tong diploma na to.

marami pa ako dapat pasalamatan bukod sa mga yan, pero siyempre di ko naman maiisa isa. ano man mangyare saken mula ngayon, sa pag tratrabaho at sa buhay ko lahat yun dahil sa kanila. medyo madrama pakinggan pero ganyan talaga. Solid sa saya pagkatawag ng pangalan ko sa world trade. hindi na enough yung salitang 'thanks' sa mga taong tumulong saken pati na din sa mga taong hindi naniwala, nangasar, kumontra, papapampam at maepal na mga *&$#%@^%& dahil madami din ako natutunan mula sa pangkukupal nila saken at dun ko nalalaman may mali saken na kailangan ko baguhin kaya kasama na din sila sa pasasalamatan ko.

ginawa ko lang to para mag balik tanaw konti at para magpasalamat talaga sa lahat kahit alam ko kulang na kulang ang mga salitang thank you para sa diploma na magpapabago sa buhay ko malamang. times five hirap ng pag process ko sa graduation pero para saken yung feeling ng pag graduate ay times five din yung saya at sulit talaga. pagmamalaki ko hanggat kaya ko na graduate ako pero kahit kailan ko di ko aangkinin ang paghihirap tsaka ang mga magiging bunga ng apat na taon na yon.

Sunday, March 6, 2011

to Blog a 'Brag'

una beses to magsulat ako na may naisip aga ako title agad..una beses din magsulat ako tungkol sa sarili ko. may mga nasulat na ako dati,ewan kung maganda para sayo o sa lahat o sa marami.pero hindi din naman ganun kadami..madame ko naiisip isulat pero natatamad ako madalas o nawawala siya sa isip ko.ngayon wala talaga magawa,wala makausap.dapat din kanina pa paubos load ng net ko pero hanggang ngayon ol pa din ako..very very amazing..kaya mg blog na lang ako (pero naputol siya at late ko na napost to)

tapos na ako mag intro,eto na talaga.naisip ko magsulat lang ng tungkol sa sarili this time.iba to para sakin,bago to..first time ko nga to...MAGYAYABANG ako sa sarili ko...tama,oo magbubuhat ng bangko..bakit papalag ka?wag ka magbasa,blog ko to e..hehe!kaya nga ganyan agad ko naisip na title.una ako yung tao na hindi natutwa kung sakali may nagsasabi "ang gwapo mo,ang pogi mo..blah blah." totoo yan,tanong mo sa mga nakakakilala sakin,o kahit sa girlfriend ko.ewan ko,hindi ako naliligayahan kung ganun lang bibigay,perahin mo na lang o pagkain,damit..pamasko!i mean walang sense para saken kung gwapo ka o kahit sa tingin ng iba.itsura lang yan,sa labas lang.iba pa din asa loob....o siguro nga panget lang talaga ako at nagbibigay dahilan lang ako para di masyado sumama loob ko!:D pero kung yan lang din usapan,never ako magyayabang dyan.lately kasi naisip ko ano ba ako sa paningin ng iba,pano nga ba ako makisama sa iba.baka kasi yung ibang ayaw ko sa ugali at ginagawa nila e ganun na din pala ko sa iba.ang sagot dyan hindi ko alam,at ayoko malaman.takot ako baka may sumagot nga saken ng "oo peter tangina ka ganun ka din kung anung ayaw mo sa kanila"..ouch!*pause nawala ako sa flow ko at nagbawas ng ilaw at nagpatay ng e.fan..init!...yan tuloy na* kaya hindi ko kaya magtanong sa iba kung ano ba talaga tingin nila sakin,hindi ko din masasagot tanong sa isip ko.kaya ang nangyari naisip ko "Ano bang gusto ko maisip/makita nila kung ako ang topic?"..binago ko ung sa prof.info sa facebook sa 'about me' part.nilagay ko "Masamang tao..na may mabuting kalooban"..syempre pananaw ko yan,wag ka pumalag nakikibasa ka lang.ewan ko kung posible ba may ganyan nga,kung pwde ba talaga ganyan ang isang tao.pero hindi ko na din iisipin yun,naisip ko lang nga ganun sana gusto ko maging tingin sakin ng iba,o kahit konti lang.oo masama ako,di ako magkukunware at magmamalinis.alam ko sa sarili ko sa dami ng ginawa kong mali sa buhay ko kahit gaano kasama may nakakaalam man ng lahat ng to o wala..masama pa din ako.kaya di ako papalag,pero naisip ko,sinong hindi masama?kahit sa papaanong ibang paraan,naging masama tayo.. Siya lang sigurado ang talagang mabuti ng puro.anyway,bukod kasi sa muka na talaga ko masamang tao kahit anong gawin ko,amindao na talaga ko..pero wag mo na ako tanungin paano ako naging masama..secret ko na yuunnn!;D pero wag mag alala,hindi pa naman ako siguro..sana nawa ang pinaka masamang makikilala mo.pero sa pagiging masama ko,may mabuting nasa loob ko.yung mabuti na maawain,gustong maging matulungin at marunong umintindi.madali ako maawa.sa mga kaibigan nagigipit,may problema.pag nasasaktan ko siya ng hindi ko gusto/sinasadya..naawa ako sa nanay ko pag nakikita ko may problema siya,may sakit o hindi gusto nangyayari sa buhay niya o namin mga anak niya.naawa ako sa mga kapatid ko pag di maganda nagyayari sa kanila.naawa ako sa mga tao namamalimos,matanda o bata o yung mga dalang anak na malaki ulo at payat na payat.sa mga bata,tao na gusto mag aral na hindi kaya o hindi nila magawa kung ano gusto nila,makakpagpasaya sa kanila.naawa ako sa mga nakikita ko manong na nasiraan ng bike sa EDSA,mga nagmamadali pero napagsaraduhan ng LRT,isang buong pamilya na ang bahay ay kariton,mga taong ngrerent sa comp shop na hindi marunong o gamay masyado pasikot sikot sa computer,isang nanay kasama dalawa anak tas magkakandungan sa jeep para tipid o basta yung tao makakasalubong mo lang na kita mo sa muka nila yung lungkot at pagod sa buhay.ang hirap pag nakakita ko ng mga ganyan,kaya gusto ko maging matulungin sana.pero pano kung ako ang minsan nang aaway sa mama ko at sa mga kapatid ko,sakto lang pera ko pamasahe kaya di ko ako makapag hulog kahit barya sa mga baso nila,huminto ako 2taon bago magaral dahil wala pang aral,wala ko sariling sasakyan,ako mismo minsan nag 1123 sa jeep para makatipid at sadyang may mga sarili din problema.pano nga ko makakatulong?ewan ko kung mas mabigat problema ko sa buhay o yung sa kanila,pero pano ko tutulong kung sarili ko hindi ko pa matulungan?labo. gusto ko maging matulungin pero natatamad ako minsan,gusto ko balikan yung mga grade4-5 students namin sa nova sa saturday para kahit maging maliit man lang na tulong para sa mga tutulong na mabago buhay nilang mga bata.pero natatamad nga ako at may pasok pa din ako na kailngan ko mag habol.ako mismo kailangan ko ng tutulong sakin,pero nung naransan ko makatulong mas masarap at masaya.nabitin ako pero baka isa lang siya sa mga gusto-ko-sana-gawin-to na mga bagay sa buhay ko.masama akong tao kasi kung alam ko kaya kita lamangan.kaya kita takutin at gulangan gagawin ko kung kailngan o tingin ko kailngan. nagmumura ko ng malutong at madami,hindi mo maiispan subukan pigilan ako kahit tanong mo pa girlfriend ko. may mga bisyo ko at mga ilegal na ginagawa.pero tangina sana hindi man ngayon,may magawa ako para mabago ang buhay sana ng hindi lang isang tao.

ako yung lalaki na maangas tignan,magsalita.maingay.masama iniisip ko sa mga taong ayaw ko.ako rin yung mga kabaligtaran ng lalaki sa sumasali sa mga 'Mr.papable 2010,Ginoong magandang-katawan-sa-buong-Pilipinas o kung anu pa man beauty contest na panlalaki.pasensya sa mga kaibigan ko na kakilala ko na ganyan,peace tayo..pero wag ka pa din pumalag sa blog ko..sorry din kasi aaminin ko na,natatawa talaga ko sa inyo!hehe..opinyon ko lang,wag nyo na lang pansinin.kasi din hindi nga ako naniniwala,maniniwala na gwapo,pogi,handsome o good looking ako(pero pwede tawad ng "malinis naman siya tignan" na comment?^^) siguro nung bata ako naniwala ako sa nanay ko.tangina sino hindi sapakan na lang.pero ngayon,no way..ewan ko bakit.siguro kahit pano pero it was never a big deal for me.hindi rin ako yung nagpapabango ng pang babae,nagpupulbo o kahit anong make up(lalo na to) o yung nanamit ng todo porma sa araw araw na high-school-christmas-party ang dating,yung mga uso ba na pacute.ako yung tipo na kung ano gusto yun na agad,deretso na,walang arte.leche.lalaking lalaki ba.ewan,ngayon bigla na ako naguguluhan para ipapaliwanag dito yung idea ko.basta ganun nga.

o sadyang yan lang yung gusto ko makita sakin ng iba tao.dahil talagang hindi din ako sigurado kung madalas o lagi yan ang napapakita ko sa iba o kahit sa sarili ko.yun lang,nalabas ko na mga naisip ko gusto ko sabihin o isulat.masarap.ok na ako,solb na.wala na masabi.kung sumang ayon ka,salamat napasaya mo ko.kung hindi pero nagustuhan mo pa din to thank you ng very very much,u made me very very happy!kung nayabangan ka,ayaw mo na ule basahin at nayabangan ka...tangina ka!haha!wala ko pakialam,blog ko to,oras ko to,space ko to sa world wide web,mundo ko to at squatter ka lang...opkors!bwahaha!wag ka nang pumalag..pero napasaya mo pa din ako kung gagu kang nayabangan ka nga..kasi nga nagyayabang nga ako...paker!!