Hindi ko mapigilan tong iniisip ko kaya yung naisip ko isulat dapat bukas pa ay ginagawa ko nga ngayon (friday 08july 12:18am)...pagtyagaan ang sira sira keypad ng laptop at ang kakulangan neto ng kakayahan na pagtypin ako MSword....habang nilalabanan din ang masakit na tyan dahil sa namumuong palabas na mabahong hangin.
Bago ang lahat...Aminado ako hindi ako isa sa mga pinaka dakilang katoliko sa paligid mo. Pero hindi naman ako tumitawalag sa Kanya sa kahit anong paraan. Hindi din ako nagsisimba linggo-linggo, dahil para saken hindi lang naman dun nasusukat yun. At lalo hindi ko tinatry ijustify ang hindi ko madalas na pagsimba. Buong puso pa din ako naniniwala kay Master Boss Amo Chief dun sa taas. Sa kabila din ng lahat may respeto pa din ako sa mga kaparian in general na silang ngrerepresent sa Kanya dito sa mundo (di ba ganun un??). Oo, syempre repect pa din sa kanila sa kung pano ba dapat respetuhin ang mga gaya nila. Pero ang saken, magalit na magagalit sa sasabihin ko o kung mali ako tatanggain ko... Tao pa din sila, at hindi sila mismo ang Diyos na hindi dapat kwestyunin. Tao pa din at di ba nga "no one is above the law". Kaya sila o ilan sa kanila ang naiisip ko ngayon.
Una, kahit dati pa asa high school ako tas naging tambay naiinis na ako pag may nakikita ako ng pari na pag iniinterview e para bang ng uutos na tungkol sa ibat ibang issues sa bansa kung ano dapat gawin ng gobyerno o kung pano dapat tanggapin to ng mga tao. Ok lang kung nagbibigay ng suhestyon, comment and negative reactions e..kuro kuro ba, tipong parang barbero habang minamasahe ka o iniistaylan ka ng "gupit binata". Wala ko nakikita masama dun. Pero ilang beses na din ako nakakita ng hindi na ganun ang lagay, para bang ang dating humihingi na ng suporta sa sangkatauhan sa paniniwala niya at sumama kay father ang lahat ng naniniwala o may pananalig labanan, iwanan at dedmahin ang sabi ni chairman, ni mayora at ni gobyerno. Wow! Hindi na lang pagiging barbero, instant politician na.
Nung nag college ako nakilala ko "Separation of Church and State". Ewan ko kung di lang talaga ako advance at dun ko lang nalaman ang prinsipyo ng ganyan o sadyang di ko lang maramdaman sa loob ng higit 20 years. Pero bat parang labas na sa sermon at sa bibliya ang minsan sinasabe nila sa interview. Ibat ibang issue mula impeachent, pagtaas ng langis o bilihin e parang nangiipit sila sa gobyerno. Nasabi ko na dati na bago ko pa malaman yun SPC "e bakit ba hindi na lang sila magmisa tas hayaan nila ung gobyerno...o kaya edi tumakbo sila sa pwesto". Kasi siguro para saken yun yung mga oras na sobra na sa opinyon ang binibigay nila. Labo tsong, nakakainis na. Tas ngayon habang mainit na niluluto ang RH bill, ginisa na din ang divorce dito sa Pinas. E bigla nag maasim nga utang na mahigit 6billion ata ginamit daw para kay father...Nax! Masarap na usapan to.
Ahh..RH bill. Sobrang init ng usapin na yan na nagkatakutan na ang simbahan at pangulo. Malupit dun sabi ng simbahan taliwas daw ang paniniwala ni Mr. lover-boy-d President sa kanyang sariling Ina. Hitech talaga dahil sa puntong to, dinaig na nila ang mismong anak sa pagintindi sa nanay niya....partida patay na ang dakilang ina,pano pa kung buhay pa di ba. Hindi ko masyado alam ang punto ng dalawang haligi pero saken lang..shet nakalimutan ko yung opinyon ko sa bagay na to...pero basta! Iba nga daw to sa pagpapalaglag. Pano mo nga masasabi nilaglag o pinatay kung wala nga nabuhay dahil pinigilan magtagpo ang malagkit na yon dun sa egg ni girlash. E di walang tao, walang buhay na nagsimula di ba. Bukod dito, madami pang problema ang kasangay nito matatamaan. Early pregnancy, population control na kasama na din ang employment at siguro pati na din ang HIV at AIDS. Basta ko pabor ako dito.(hindi ko na talaga naalala yung pamatay kong opinyon sa bagay na yan..seyeeennggg) Tapos divorce naman. Mainit din yan. Oo nga, hindi naman nga daw dapat paghiwalayin ng tao ang pinagsama ng simbahan at ng Diyos. Pero kahit daw sa Vatican mismo legal yan sabi nung isang senador. Tsaka pano kung yung katawan na ng babae ang pinaghiwalay ni mister o si pagkatapos magpaka kuba ni mister sa ibang bansa e may iba na pa lang boylet si misis na 9 ang size ng paa at di pala si junior yun. Olats na, pero di pa din pa pwede sa lagay na ganyan? Sabi ni pader, imoral. Pero nung sa debate class namin at ginamit ko yan salita na yan agad agad ako nabutata ni sir. "Pero what is 'morality' ba?" sabe niya. Konserbatibong bansa daw tayo sabi ule. Patay...pero hanggang kelan at hanggang san ang pagiging konserbatib? Kung para saken dahon na lang nakatakip sa mismong ari e conservative pa din ang dating kasi di pa din pinakita ang lahat....pano ngayon yan?.... Bilang isang taong inlab at nakaranas ng hindi normal na pamilya, ok lang saken maging legal ang divorce, ok saken pero i dont encourage. Kasi kung kasal na kayo, kaya nyo lutasin at ayusin lahat ng problema in 50 plus years hindi na issue kung pwede ba mag divorce dito saten. Tipong you wont let that hundred misunderstandings and fights overcome that countless reasons why you marry that someone in the first place. Kung legal to dito, madami makikinabang dahil sa ayaw at gusto mo e in reality it takes so much for that 'happy ever after' ending. Nakakainis na, na hindi na nga opinyon binibigay nila bilang parte ng simbahan na kinikilala na isang malaking parte ng bansa natin sa gobyerno na ang silbi e pamunuan at patakbuhin ang bayan. Pwede naman nga mag suggest, comment e kaso nga.. Parang sa basketball team, yung mga trainers yung bahala sa basics, sa strength and conditioning pero si coach at coaching staff pa din bahala sa defense at offense ng mga players sa court.
Tapos eto na, sila pader bigla nasita.Tsk tsk tsk. Montero nung huling tingin namin e 1.3M yung high end,800k naman yung high end ng adventure. Una, bakit sila manghihingi ng auto? Para daw mas makapag silbi?... Amazing!Tas madami usapan na naman ang sumabit dyan...
*Ginagamit daw ito upang lalo idiin si Arroyo....masyado pa ata maliit ang 6billion para sirain ng dating pangulo ang pangalan nya, buti sana kung uulitin mo ito ng madaming beses sa halaga na pwede niya lang makuha kung dadagdagan ang presyo ng mga fertilizers o internet..
*Binabalikan lang daw sila ng pangulo sa pagkontra nga sa malalaking usapin nabanggit kanina....E kung oo,bakit hindi?anak ng patetok!lakas loob nila tas sila may baho din, sila kaya ngaun iex komunikado no?ganyan talaga,walang sisihan..
*Yung mga taga LP din daw binigyan din naman at tumanggap....yun nga lang mga ambulance lang, na yun nga lang dapat talaga ang ipapamigay ng PCSO. Maliban kung pwede na gawin ambulance ung binigay kila pader..Grandia pwede siguro. Nax!habang naghihingalo e pwde ka magsama ng sampung kamag anak sa loob bilang support group hindi pa kasama sa bilang ang mga ngbibigay ng agaran lunas...kasya yan sa luwag nun! Pero kabaligtaran ang sikip pag ung Montero o Adventure.....Tas tangna yung Estrada sige maluwag daw e
pota pick up yown e!
*ibabalik na daw nila...wahehehe!lokohan ah..guilty ata!:D
*Samantala yung mga muslim daw sa Manila isang ambulance sa loob ng 9years!hitech ah...wala daw lagi ambulance nauubos...kawawa ang mga kapatid na muslim...yoko na magsalita.
Sa issue na to pinaka nainis na talaga ko sa lahat ng mga nakita ko pakikialam nila pader. Hindi lahat naman ganyan, meron pa din lumulugar at hindi din naman lahat may mali. Muli, I'm not hatin on them generally. Saken lang dapat linisin muna sarili bago unahin maghanap nng maghanap ng kamalian ng iba. Takte yan. At kailangan ko pa ba gamitin ung "practice what you preach"?!..Tas kung ano trabaho nila o ano silbi nila, dun na lang sana mag magaling. Hindi lang sa kaparian yan ha...Iniimbestigahan na ng Blue Ribbon commitee to, pero bat hindi daw pipilitin magpa liwanag yung mga pari?! May mali din sila sa paningin ko, ngrequest sila gamit ang mga baluktot na dahilan at kahit alam nila ang kapalit neto e suporta. Hindi ba mali yun? Sa batas ng bayan o kahit ng simbahan?o kahit ng simpleng kahihiyan lang?....Katoliko ko, nakikinig ako sa mga pari at naniniwala sa kanila. Nirerespeto sila bilang kinatawan ng Panginoon ng lahat. Pero tao pa din sila at kinatawan lang ng totoo at natatangi kahit kailan ay dapat katakutan at natatangi hindi dapat pagduduhan. Tao pa din sila sa kabila neto at nasasaklaw pa din ng batas. Kung may mali sila, dapat pa din sila managot kasi nga tao lang din sila at dura lex sed lex!:)
No comments:
Post a Comment